Monday, January 20, 2020

Filipino Wikang Pambansa

       

      Filipino, ito ang ating wikang pambansa. Tayong mga Pilipino ay dapat magkaroon ng karangalan at pribilehiyo na gamitin ito. Dapat nating ipagmalaki dahil mayroon tayong wikang Filipino.
Bawat buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang "Pambansang Buwan ng Wika." Ang isang pangunahing dahilan ng pagsasagawa ng pagdiriwang na ito ay upang mapanatili ang pagkakaroon ng wikang Filipino sa puso, isip at kaluluwa ng bawat mamamayang Pilipino. Pero base sa aking mga obserbasyon, marami sa ating kababayan ang walang pagmamalaki na magsalita ng sariling wika kapag mayroon na silang ibang bansa o kung nasa ibang bansa sila. Tila nahihiya silang magsalita. Para sa akin, ito ay isang napaka imoral na saloobin ng isang Pilipino.
Bilang isang Pilipino, dapat nating ipagmalaki at karangalan na sabihin ang ating sariling wikang Pambansa saanman tayo pupunta. Dapat nating ipagmalaki mayroon tayo. Bigyan ito ng kahalagahan at ipagmalaki dahil mayroon tayo nito.

No comments:

Post a Comment